Friday, May 4, 2018

PAANO MAGPATAAS NG TALON. 

Dahil sa marami na nga ang nakakapansin sa mga videos ko sa youtube ay marami na nga rin ang nagtatanong sakin ng "Idol ano sekreto mo?" , " Bigyan mo naman ako ng tips kung paano magpataas ng talon idol" at marami pang mga tanong na sa ganyan din naman ang punto ang "PAANO BA MAGPATAAS NG TALON?"  kaya naman ginawa ko itong blog na ito at para narin mas maipaliwang ko sa inyo ang mga tips ko.

Ganyan din ako dati , nakapanood ng petmalung video ng mga dunkers tapos namangha at bigla ko nalang na isip na gusto ko ring maging katulad nila at nagtanong din ako ng "PAANO BA MAGPATAAS NG TALON? " Ang mga "tips" na ibabahagi ko sa inyo ay yung mga natutunana ko rin sa ibang mga pro dunkers. 




**TIPS :hindi lang basta tips ,ipinaliwanag ko pa!**

TIP#1:TUMALON/MAGDAKDAK NG MADALAS


 Tama! Kung gusto mong tumaas talon mo ay dapat tumalon ka ng madalas. Dahil "paano ka mag i-improve sa isang bagay kung hindi mo naman ito ginagawa  palagi? " diba ? edi natauhan ka ! Baka napagtanto mo na ,"OO NGA NO" haha!  Naisip mo na hanggang "gusto" mo lang kasi ,PERO, SUBALIT ,DATAPWAT  (ginaya ko lang titser ko dati ,haha)  ay hindi ka naman nagprapraktis mag 
"dunk"  o kahit tumalon lang palagi kung hindi mo pa kaya ang mag dakdak.  So alam mo na ha , "TUMALON KA NG MADALAS" (kung maaari ay araw araw)
huwag lang tuwing "new year" hahaha!


MGA DAPAT TANDAAN KAPAG NAGPRAPRAKTIS TUMALON


1.1)  WARMUP(DYNAMIC)-   "mahalagang ihanda natin ang katawan natin sa pag eensayo" -mga 5 minutes o kaya hanggang sa kailangan mo , ang ibig kong sabihin ay pakiramdaman mo ang sarili mo kung sapat na ba ang init ng katawan mo ,yung bang parang kaya mo nang tumalon ng todo pwersa. 


1.2) TUMALON NG TODO PWERSA - "Kung gusto mong tumaas talon mo edi tumalon ka ng mataas" Yan ang palagi kong sinasabi haha, pilosopo man pakinggan pero yan ang KATOTOHANAN. Isipin mo , kasi diba tumatalon tayo PERO tumatalon ka ba ng TODO PWERSA MO? yung PINAKAMATAAS na KAYA MO BANG TALON ANG GINAGAWA MO?? Na gets mo? SANA hehe!!  So paano ka tatalon ng "TODO PWERSA?" madali lang yan. Ang teknik ay "SUBUKAN MONG TALUNIN ANG HINDI MO KAYANG TALUNIN"
Ang magandang halimbawa rito ay  kung hindi mo pa kayang talunin ang "ring " ay subukan mo munang talunin ang "board" tapos yung "net" tapos yung "ring: na. Ang punto ko ay " PALAGI MONG SUBUKAN NA LAMPASAN ANG KAYA MONG TALUNIN" at sa pamamagitan din noon ay malalamn mo kung nag-i-improve nga ba ang talon mo.


1.3) MAGPAHINGA KA - Hindi porket sinabi ko na tumalon ka ng madalas ay baka mamaya tumalon ka ng maraming beses. TAMA YUN, pero tandaan mo na DAPAT ay may pahinga ka sa pagitan ng BAWAT TALON mo. Mga 30 secs na pahinga sa bawat talon mo o kaya hanggat sa kailangan mo. Tandaan mo na  para tumalon ka ng mataas dapat ay TODO PWERSA, at magagawa natin lamang yun kapag nagpahinga tayo . Isipin mo na parang nagiipon ka ulit ng lakas para makatalon ka ulit ng mas mataas .. Huwag kang tatalon ng sunod sunod at walang pahinga dahil tiyak na bababa ang talon mo dahil mapapagod ka AT iba ang maituturo mo sa katawan mo kaya iba rin ang magiging balik nito sayo."ANG KATAWAN NATIN AY NAGREREACT DEPENDE SA KUNG ANO ANG GINAGAWA NATIN" kapag sinasanay mo ang sarili na tumalon ng madaming beses sa loob ng isang minuto ay masasanay mo ang katawan mo na tumalon ng mababa at ang nahahasa sayo ay ang tinatawag na "jumping endurance" mo. At kapag sinasanay mo naman ang katawan mo na tumalon ng TODO PWERSA sa bawat talon mo tiyak na tataas ang talon mo. Kaya ,huwag mong kakalimutan na mag pahinga.



 1.4) ARAW ARAWIN - ganyan kahalaga ito dapat ina-araw-araw PERO may PERO at yun ay , DAPAT MALUSOG KA, kasi ang pagprapraktis tumalon araw araw ay "training" na rin yan.  Kaya mapapagod ang katawan natin at maari kang ma injury kung hindi ka magkakaroon ng PAHINGA(rest day naman ang tinutukoy ko dito)(marami pang impormasyon tungkol sa pahinga sa ibaba)
 

 1.5) MAGPRAKTIS MAG DUNK GAMIT ANG MALIIT NA BOLA - Kung nakaka dakdak ka naman na kahit papaano o kaya talagang malapit na ay ,malaki ang maitutulong ng maliit na bola para makapagpraktis at madagdagan ang tiwala mo sa sarili mo. Dati ganyan lang din ako ,halos maliit na bola lang palagi ang ginagamit ko sa  First Dunk Session ko





                                                           

TIP#2 I-IMPROVE ANG FLEXIBILITY
 -Bukod sa pagtalon araw araw ay mahalaga rin na bigyan pansin ang iyong flexibility . Napakahaga nito na sa sobrang halaga nito ay hindi ka mag iimprove kung wala ka nito.
Dapat 
overall flexible 
ka "mula ulo hanggang paa"!        

KAHALAGAHAN NG FLEXIBILITY 


2.1) PARA MAKAIWAS SA INJURY - ganyan kahalaga ang flexibility ,pang iwas injury din siya. Paano ? Ganito kasi yan , diba sabi ko pag tumalon ka ay dapat TODO PWERSA? at kapag todo pwersa ay malaki ang tyansa na mainjury tayo ,lalo na kapag hindi tayo flexible , kaya nga tayo nag wa-warmup para mapainit  ang katawan natin at kasabay non ay nagiging flexible din tayo . Ang madalas na sinsabi ng karamihan ay "mas mataas talon ko kapag pagod ako" ang ibig nilang sabihin sa "kapag pagod ako" ay kapag mainit na  ang katawan nila dahil nga sa paglalaro ng basketball- magandang warmup din ang paglalaro ng basketball ,yan din madalas kong gawin kasi talagang handang handa na ang katawan ko at mataas na talaga talon ko sa mga oras na yan"

"MARAMI PA KAYONG MABABASA NA ARTICLE TUNGKOL SA KAHALAGAHAN NG FLEXIBILITY SA TRAINING,SEARCH NIYO PARA MAS MAINTINDIHAN NIYO PA"


PAANO MAPAG I-IMPROVE ANG FLEXIBILITY



2.2)  PALAGING MAG DYNAMIC WARUP BAGO MAG EXERCISE para maihanda ang sarili sa training ,at kasabay nito ay nagiging flexible din tayo.

2.3) PALAGING MAG STATIC STRETCHING PAGKATAPOS MAG EXERCISE 
Kung ang dynamic warmup ay para maihanda ang katawan natin sa exercise ang static stretching naman ay para maibalik sa normal ang temperatura ng katawan natin at higit sa sa lahat ay mas mapag improve pa ang flexibility ,
.Dito sa klase ng stretching na ito ,dito mas lalong mapag iimprove ang flexibility mo.  Marami kang makikita na  static stretching videos sa youtube ,search ka lang.. Tandaan mo na dapat "hold for 30 seconds each stretch"  tiisin mo kahit masakit dahil yun lang ang paraan para mag improve ka. Panoorin mo itong video ko na ito tunkol sa STATIC STRETCHING ROUTINE


TIP#3 NUTRITION 


 -Ito ay isa sa napakalahagang 
factor sa training ,walang iba kundi ang NUTRITION.Kahit na sayo pa ang pinaka effective na jump program sa buong mundo wala ring kwenta yan kung hindi mo sasamahan ng tamang pagkain. TAMA YON! ganito kasi yan , kapag tayo ay nag lalaro ng basketball ,nag eexercise ,nag gygym ay sinisira natin ang ating katawan,(breaking down ) nagkakaroon ng tinatawag na micro damage sa muscles natin. AT 15minutes to 30minutes  pagkatapos natin mag ehersisyo ay doon na mag rerebuild ang katawan natin( Building Up) at pag nagbuo ulit ang mga iyon ay tiyak na mas matibay /mas malakas na ang katawan natin. PERO may PERO , para mangyari iyon ay kakailanganin ng katawan natin ng energy na magmumula sa mga pagkain na kakainin natin. Kapag mas masutansya ay mas maganda at mas mabilis din ang improvement. 

PAANO KAPAG HINDI KA  AGAD KUMAIN?


 Ano pa nga ba? edi magugutom ka AT hindi maganda iyon, hindi magandang ginugutom ang sarili. Kapag hindi mo agad binigay sa katawan mo ang dapat nitong matanggap ay siguradong maghahanap ito ng ibang source ng energy at ito ay iyong mismong muscles, kaya imbes na lumakas ka ay hihina ka pa ,dahil sa mababawasan ang muscle fibers mo(NAKAKATAKOT DIBA?) para kalang nagsayang ng oras.!! KAYA KUMAIN KA!!!


TUWING KAILAN DAPAT KUMAIN?


 Ang nakasanayan na natin ay 3 times a day (umaga,tanghali at gabi ,minsan hapon kaya 4 times a day minsan) .Pero kapag atleta ka at marami kang mga aktibidad na ginagawa ay mas magandang kumain ng madalas sa isang araw.  Tandaan na dapat sapat at huwag sobra. At siguraduhin din uminom ng maraming tubig!!!

-kumain ng almusal

-kumain bago mag ehersisyo (mga 30 minutes before mag exercise)

-kumain sa kalagitnaan ng ehersisyo (kapag lumampas na sa 
1.5 hours na ang exercise mo,kahit isang saging lang ,at siguraduhin ding uminom ng maraming tubig.)

-kumain pagkatapos mag ehersisyo(mga 15 minutes to 30 minutes after mag exercise) 

-kumain kapag nagugutom,HUWAG MONG HAHAYAAN NA MAGUTOM KA! hindi ka nagugutom ng walang dahilan.. !


 

 MGA DAPAT KAININ

Basic na 'to , alam na natin na dapat kumain tayo ng MASUSUSTANSYANG PAGKAIN,at UMIWAS SA HINDI MASUSTANSYA! (hanggat maari)"mag search kayo sa google at youtube kung ano ba ang mga dapat kainin bago,habang at pagkatapos mag exercise"



TIP#4:PAHINGA(RECOVERY)

-Ito na nga yung sinasabi ko na pahinga. At nasabi ko na rin na sa pahinga tayo lumalakas diba? kasi doon nag bi-build up ang katawan natin mula sa exercise na ginawa natin.


Ang mga dapat mo lang naman malaman dito ay , kapag naramdaman mo na may masakit sa katawan mo ,ay magpahinga ka muna at ituloy mo nalang ang pag prapraktis mo mag dunk o tumalon sa ibang araw kung ok ka na ulit.  Gawin mo rin pala ang Daily workouts ko na ito -->> DAILY EXERCISES


                                                                                                              DAILY EXERCISE ROUTINE KO


                                                 


Gawin yan araw araw, pwede mong isama sa warmup mo ang squats at hip hinge exercise mo dyan bago ka mag praktis tumalon o magdunk.

PAANO MAG RECOVER NG TAMA


-Gawin ang 
Static Stretching araw araw
-Kumain ng masusustansyang pagkain at sapat
-Uminom ng maraming tubig
-Matulog ng sapat (8 hours o HIGIT PA)


TIP#5 FIX YOUR JUMPING TECHNIQUE


-Marami na ako napanood na video sa youtube tungkol dito at madalas nilang sinasabi na ito ang pinaka mabisang paraan para tumaas kaagad ang talon mo(sa palagay ko naman ay totoo)
Kasi dati ay nagprapraktis ako na sumalpak sa 
10 feet rim at nung umpisa ay hindi ko magawa pero nung malaman ko ito at sinubukan kong gawin ay HIMALA! Nakadakdak na nga ako sa 10 feet hoop! 

 
RECOMMENDED LINKS KUNG SAAN MATUTUTUNAN NIYO ANG PROPER JUMPING TECHNIQUE 


Link 1 : Instant Inches
Link 2 : https://www.youtube.com/watch?v=1I2N7zp0F_w
Link 3 : https://www.youtube.com/watch?v=vcwwZicEeS0

Link 4 : https://www.youtube.com/watch?v=7diXgTpQKu4



Yan na yung mga links , i-click niyo lang yan at matuto!!
Alam mo ba na pwede ka nang makadakdak agad agad kapag na ayos mo ang teknik mo sa pagtalon?

-Maaari ka ring mag praktis ng tektik mo sa pagtalon o pagdunk gamit ang maliit na bola, o kaya mag praktis ka mag  dunk sa mababang ring."Bakit po sa mababang ring?"-Ok lang na sa mababang ring basta ang mahalaga ay tumatalon ka ng pinakamataas na kaya mong gawin!! Palagi mong tandaan yan.
Panoorin mo ang video ko sa ibaba at  makikita mo ako na nagprapraktis sa mababang ring lang pero sinisigurado kong pinaka mataas na talon na kaya kong gawin ang ginagawa ko.. :) 




                                                                   




TIP#
6 MAG GYM KA/STRENGTH TRAINING


"STRONGER LEGS, HIGHER JUMPS"

 
- Kahit hindi ka mag 
"strength training"  at gawin mo lang ay yung mga nauna kong tips ay mag iimprove parin ang talon mo,PERO may PERO! hindi mo  maaabot ang "full potential" mo sa pagpapataas ng talon kapag hindi ka nag "strength training".Bakit? simple lang naman , limitado kasi ang taas ng talon natin depende sa lakas ng binti (mga muscles) natin. Mag iimprove na ang "strength" mo sa paglalaro pa lamang ng basketball o pag eensayo ng pagtalon o pag dakdak ng madalas pero limitado lamang iyon.AT doon na nga papasok ang kahalagahan ng "STRENGTH TRAINING" . Dahil nga kapag mas malakas ang mga binti mo ay mas mataas ang talon mo.!! 



TIP#
7 KILALANIN MO SARILI MO!

"Learn about yourself"


-Alam naman natin na bawat isa satin ay kakaiba o unique. Kaya ang program na epektibo sayo ay maaring hindi epektibo sakin o sa iba. Ngayon ang ibig ko lamang sabihin ay dapat kilalanin mo sarili mo kung paano ito magreact sa mga training na ginagawa mo!
Sa ganitong paraan ay malalaman mo kung ano ang mga dapat mong gawin at hindi na dapat pang gawin!

Halimbawa ko sa karanasan ko. Nakaraang taon (2017) ay halos 9 months akong nag strength training at may mga improvements ako sa loob non PERO nawawala din ang mga iyon kapag ako ay nagkakasakit at maraming beses akong nagkasakit noon. Kung kaya parang nagsayang lamang ako ng oras at panahon!

Sa ganyang pangyayari sakin ,hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko dahil HINDI AKO NAKINIG SA KATAWAN KO! Ilang beses na akong nagkasakit dahil sa na-oover worked ko katawan ko, PAANO? Ganito kasi ginagawa ko, Halimbawa nag gym ako ngayon tapos kinabukasan ay naglaro ako ng basketball or mag dunk session ng matagal ay tiyak na magkakasakit ako!  Ilang beses na naggyari sakin yun pero ilang beses ko ring GINAWA!!

At yun na nga yun , HINDI AKO NATUTO , HINDI AKO NAKINIG sa katawan ko kaya nangyari 'yon! PERO mula nang MATUTO akong MAKINIG sa katawan ko at mas naging disiplinado na ako ay mga limang buwan na at di na ako nagkakasakit kaya tuloy tuloy ang improvements ko!!

MAS MAKIKILALA MO PA SARILI MO KAPAG MAS MARAMI KA NANG KARANASAN SA TRAINING !! Tandaan mo lang ang  mga bagay na may negatibong epekto at positibing epekto sa training mo! Ipagpatuloy ang mga positibo at iwasang mangyari ulit ang mga negatibo! PARA TULOY TULOY ANG IMPROVEMENT!
!!

BASAHIN MO ITO!



AT IYON NA NGA ANG MGA TIPS KO SA INYO MGA IDOL!
SUNDIN NIYO LAMANG ANG MGA TIPS KO AT SIGURADONG MAG IIMPROVE KAYO!





VERTICAL JUMP PROGRAMS!!!
At kung gusto mo naman ng Sinusunod na Jumping Program ay meron ako.